Discover
Start a collection Search

majazabala

38 contributions 1 participating

contributions participating

Wag kang matuwa na sinabi nyang namimiss ka nya. Dapat lang talaga na mamiss ka nya. Dahil karapat dapat kang mamiss. Pero isipin mo, sya pa rin ang lalakeng sumugat sa puso mo. Tandaan mo, kaya ka nya namimiss dahil mas pinili nyang hindi ka makasama araw araw.

Huwag mong tanggapin ang palusot nyang busy sya kaya di ka nya matawagan. Dahil kung mahal ka ng isang lalake, kahit gaano man sya ka busy, he will always find time to give you a call!

Ano ang palusot nya?! Makakalimutin daw sya?..Sorry, ang isang magandang katulad mo di dapat kinakalimutan..kaya dapat lang na kalimutan mo na sya.

Ang mga lalake naduduwag sabihin na di ka na nila mahal, kaya dapat matuto kang mgbasa ng galaw nila.Kung ayaw ka nyang hawakan, kung di ka niyayang lumabas, kung di ka na appreciate, kung lagi ka nyang binabara..naku, gumising ka na, maghanap ka na ng iba.

'wag ka magpaka tanga sa lalaking may asawa na, may mga syota pa! Aanakan ka lang din tulad ng ginawa sa iba!

Huwag kang papaapekto sa sinasabi ng tao sa paligid mo. Dahil may sarili kang utak at puso. Mas kilala mo ang sarili mo!

Ilang beses mo bang uulit ulitin ang mga dapat nyang malaman para magtino sya sa buhay? Mabuti pa, I-Audio Record mo nalang then play it back sa kanya!

Hindi ka nga nya pinagpalit, pero dinagdagan ka naman! Karapat dapat pa ba syang pahalagahan?..

Tatanggalin ko na lahat ng alaala mo sa puso at isipan ko! Di ko na ipagkakatiwala pa ang sarili ko sayo at di ko sasayangin ang buhay ko sa isang walang kwentang katulad mo.

Kung ayaw mong masaktan, huwag ka nang magtitiwala ulit sa isang lalakeng nahuli mo ng nagsinungaling sa’yo ng minsan.

Kung binigyan ka ng rason ng boyfriend/asawa mo na magduda, eh magduda ka na.

Ano daw?Tumaba ka?Ayaw mong makipagsex?Di ka na malambing?Yan ang ginagawa nyang excuses sa pagluluko nya?..Wag mong pabayaan na sisihin ka nya sa pagiging gago nya dahil wala kang kasalanan!Hayup lang talaga sya!