
Ang masasabi ko lang jan ay...
1 contributed 1 participating + Info
wla lng... mga kung anu-ano lng...
Sa mga tao na nakasakit sa puso ko... Salamat. Dahil sa inyo, nakita ko ang kaibahan ng mga guys na "ok lng" at "almost perfect"
Pag nagmahal ka, 'di pwedeng puso lang o utak lang ang gagamitin. Lahat ng parte ng katawan mo ginagamit mo di'ba? Ang mata mo, ang labi mo, ang kamay mo, ang paa mo. Lahat kasi yan kunektado. Kaya pag nagmahal ka, 'di lang buong puso, kundi buong pagkatao. Walang labis, walang kulang.
Walang pwede magsabi kung tama man o mali na mahalin pa kita... Ako lang.
Kahit na sampung "sila" pa...Hindi pa rin matutumbasan ang isang "ikaw".
May mga tao na andaming palusot... Huling-huli mo na, lulusot at lulusot pa rin. Nakakabwisit lng tuloy lalo.
Kapag may kasalanan ka, wag ka na magsinungaling... kasi dalawang kasalanan na yun... Mas mahirap na patawarin.
May mga bagay na magagawa ka ngayon, wag mo na ipagpabukas pa... kung bukas pa, baka mahuli na.
Kahit i-untog pa nila ang ulo mo sa Peace Bell para magising sa katotohanan, balewala lang din yan. Dahil para sa'yo ang katotohanan lang ay ang taong laman ng puso mo ay ang taong gusto mong mahalin habambuhay.
May mga bagay sa buhay na sadyang mahirap ipaliwanag... Wag mo na pilitin na isipin pa yun... Sasakit lang ang ulo mo.