Discover
Start a collection Hanapin

Mga Banat ni Emo Boy

1 contributed 1 participating + Info

participate Don't participate Participating
contribute Contribute

beertalks

Published 1768 days - 0 stars

Reward

Sabi nila mahirap magmahal ng taong may mahal ng iba. Sabi nila wag ko daw pilitin na mahalin nya ako dahil ako lang daw ang masasaktan. Ibaling ko na lang daw sa iba ang nararamdaman ko. Pakialam ba nila, eh ako nga di ko maturuan puso ko eh sila pa kaya turuan ako?

Comment
Create your text to image collection

beertalks

Published 1768 days - 0 stars

Reward

Tanga daw ako pag pinakawalan kita. Gago daw ako pag sinaktan kita. Baliw daw ako pag pinagpalit kita. Eh sira ulo pala sila eh! Paano ko gagawin yun? Akin ka ba?!

Comment

beertalks

Published 1768 days - 0 stars

Reward

Bawat isa sa atin ay may nakalaang pangarap, buhay at landas na tatahakin. At ang bawat isa ay may taong nakalaan upang siya'y mahalin at arugain. Subalit ano ang iyong gagawin kung ikaw ang para sa akin at ikaw nama'y may iba ng minimithing pakaiibigin?

Comment

beertalks

Published 1768 days - 0 stars

Reward

Minsan nilapitan mo ako, tinapik at sinabing: "Huwag mo isipin yun, mahal ka rin nun". Napangiti ako sa'yo at lihim na napaluha. Mahal mo pala ako..kahit sa biro lang...

Comment

beertalks

Published 1768 days - 0 stars

Reward

Swerte naman nya. May isang tulad mo na mahal na mahal sya. Kaya nga lang napakatanga nya. Bakit? Kasi nasa harap na nya yung swerte nya parang wala pa ring syang nakikita. Kung naging ako na lang sya eh di sana hindi ka naging tangang katulad nya.

Comment

beertalks

Published 1768 days - 0 stars

Reward

Kaibigan kita kaya dapat iingatan mo ako. Kaibigan kita kaya dapat lagi kang nandyan. Kaibigan kita kaya dapat mahal mo ako. Kaibigan kita kaya tulungan mo ako. Tulungan mo akong isipin na kaibigan lang kita!

Comment

beertalks

Published 1768 days - 0 stars

Reward

Akala mo mahal kita? Of course not! Akala mo I care for you? Of course not! Akala mo miss kita? Of course not! Bakit? Kasi puro ka akala. Bakit ba ayaw mong maniwala?

Comment

beertalks

Published 1768 days - 0 stars

Reward

Sorry kung hindi ka naging masaya sa akin, kung hindi ko naibigay yung pagmamahal na naibigay ng iba, kung hindi ko naabot expectations mo. Lahat ito pinagsisihan ko maliban sa isang bagay...Ang mahalin ka ng higit pa sa buhay ko.

Comment

beertalks

Published 1768 days - 0 stars

Reward

Sabi mo mahal mo ako. Sabi mo tayong dalawa hanggang sa huli. Eh bakit walang natupad maski isa? Ay, oo nga pala! Hanggang salita ka lang talaga!

Comment

beertalks

Published 1768 days - 0 stars

Reward

Nung gusto ko, ayaw mo. Sabi mo tama na. Natanggap ko na. Nakaya ko na. Ngayong may nagmamahal na sa akin na iba, sasabihin mo sa akin na nasasaktan ka. Anong gusto mong gawin ko? Iwanan siya at balikan ka?

Comment

beertalks

Published 1768 days - 0 stars

Reward

Minsan naisip ko bakit ba ko nagsasayang ng oras sa'yo eh hindi naman "tayo"? Pero kahit na ganito sitwasyon ko tandaan mo na lang na nandito lang ako..Kahit pampalipas oras mo..

Comment

beertalks

Published 1768 days - 0 stars

Reward

Bakit ngayon mo lang sinabing mahal mo ako? Ang tagal kong hinitay na yan ang sabihin mo. Ngayon pang may minamahal na ako. Sadya mo bang hinahati ang puso ko?

Comment